Home » Tags

CM’s.

August 21, 2007

Nagising ako ng bandang 10:00. Siyempre, dahil hindi pa nakakapaghilamos at toothbrush, hinanap ko muna ang cellphone ko para magbasa ng mga liham. *Hahahaha!*

 

Nakakatawa. Limang magkakasunod na tao ang nagsend ng iisang message. Naputol lang ng isang mensaheng "hello! ikinadena ko yung paa ng isda mo kagabi." tapos ayun na naman. Apat na magkakasunod na pare-parehong messages ulit.

 

"Madalas, ang tao, dinededma ang messages na tungkol kay God. Kaya mo bang dedmahin toh? Blah blah blah blah. Send this to all your friends."

 

Taglish version ng:

 

"70% of people won't send this. I love you Jesus. Please pass this to all your buddies on the list and prove that your are one of the 30% who cares."

 

May tatlong klase ng mga sikat na chain messages. Lahat sila, nakakapang-uto.

 

1. Tungkol kay God at sa mga santo't santa na lumalabas tuwing kapistahan nila at kahit hindi nila kapistahan, kunyari daw kapistahan nila.

2. Tungkol sa pag-ibig na kapag hindi mo sinend, mamalasin ka buong buhay mo.

3. Yung tipong papatay sa'yo, sa nanay mo, kay Bantay at sa iba pang miyembro ng pamilya mo.

 

Ang common denominator? Nakakaburaot silang lahat.

 

Sabi nga ni Ate Anne, hindi masusukat ng isang chain message ang paniniwala mo sa Diyos. E ano nga naman kung hindi mo isend yun? Pag sinend mo ba yun, ibig sabihin linggo-linggo kang nagsisimba? Dahil ba dun naipagmamalaki mo na relihiyoso/relihiyosa ka? Kung ganun lang din pala edi sana wala ng mga pari ngayon. At nagtetext na lang sila para magsend ng chain messages.

 

"I love God above all things. Send this to everyone and He's gonna grant you three wishes. Amen."

 

Sunod, ang paborito ng lahat.

 

"Send this to 10 friends and after 15 minutes, someone special is going to talk to you."

 

"Isend mo to sa lahat ng kaibigan mo at magiging kayo ng mahal mo."

 

"Pag hindi mo sinend to, 7 years kang mamalasin sa lovelife."

 

Nakakairita yan. Minsan akala mo kung gaano kaimportante yung isang message. Yun pala, chain message lang ang labas. Ang resulta, lalo pang nagiging desperado ang tao sa pag-aakalang totoo nga yung bagay na yun. Ikaw namang mambabasa, mahilig kang magpauto. Kapag sinabi bang "Kumain ka ng tae at mapapakasalan mo ang crush mo.", gagawin mo?

 

At ang huli, ang killer chain messages.

 

"Hi. I'm Dudong. I was killed by my boyfriend two hours ago because I failed to give him the amount of money he wants. Send this to all your friends or I'll wake you in the middle of your sleep and kill you so I can get your money and give it to my boyfriend."

 

Ayos a. Patay na nga nakakapagtext pa rin. Kung nakakapatay lang din ang mga mensaheng yan edi sana wala ng murderers ngayon. Lahat sila nagsesend na lang din ng chain messages para mapatay ang biktima. Oha! No trace of evidence pa.

 

Well, wala pa naman akong nababalitaan sa diyaryo o sa TV na namatay dahil sa hindi pagsesend ng isang mensahe.

 

At isa pa, kung ang pagsesend ng chain messages ang dahilan para yumaman ka, edi sana wala ng kurakot na opisyal ngayon. Lahat sila nagsesend na lang ng good luck charm messages.

Copy this and paste to your Friendster Bulletin. O kaya itext mo sa lahat ng kaibigan mo ang mga nakasulat sa taas. Kung hindi, ikaw ay magiging isang tukmol na kamote at kaamoy ng isang kilikiling kulay berde.

 

Posted by donyangdiyosa at 9:31 pm | permalink | Add comment

Bakit?

August 19, 2007

Wala akong maisip masyado. Kaya eto na lang.

 

*Bakit ba hindi marunong makuntento ang tao?

*Bakit ba may mga taong nagfeefeeling Superman na akala nila kaya nilang gawin ang lahat?

*Bakit ba kailangang nasa huli ang pagsisisi?

*Bakit ba gusto ng karamihan ng isang perpektong tao/bagay kahit alam nilang walang ganun?

*Bakit parang nakakawalan na ng ganang mag-aral sa Mandsci?

*Bakit ba PROUD pa SIYA/SILA sa pangongopya?

*Bakit ba gusto nilang gawing bayani si Pacquiao e wala naman siyang naitutulong sa pag-unlad ng ekonomiya?

*Bakit ba may mga taong mahilig magkumpara e lahat naman ng tao iba-iba?

*Bakit ba lahat ng bagay may katapusan?

*Bakit ba lahat ng tao, napapagod sa isang bagay?

*Bakit madalas, happiness is empty?

*How come something that is supposed to set you free leaves you so incomplete?

*Bakit ba may mga salita na mahirap Tagalugin?

*Bakit ba nasa lahat ng tao ang kaplastikan?

*Bakit ba kailangan munang mawala ang isang tao bago mo malaman kung gaano siya kahalaga?

*Bakit ba kailangan munang masaktan at umiyak bago mo makuha ang kasiyahan?

*Bakit ba may mga taong mayayabang na wala namang maipagmamayabang?

*Bakit ba hindi natin alam kung anong mangyayari kinabukasan?

*Bakit ba dinadaan sa pag-inom ng alak ang problema?

*Bakit ba maraming nagddrugs?

*Bakit ba naimbento ang sigarilyo?

*Bakit ba may mga taong manhid?

*Bakit ba kailangan nating magmahal kung masasaktan lang din naman tayo?

*Bakit ba mahirap makalimot?

*Bakit ba may mga nabubuntis ng maaga e may condom naman?

*Bakit ba pinag-aaralan pa sa eskwela ang Geometry, Botany, MAPEH at iba pa kung hindi rin naman natin yun magagamit sa paglaki natin?

*Bakit ba may mga taong nagtatapos ng kurso sa College para lang maging domestic helper o caregiver sa ibang bansa?

*Bakit ba likhang madamot ang tao?

*Bakit ba madaya at kulang ang oras?

*Bakit ba ang dami kong tanong?

 

 

Posted by donyangdiyosa at 2:10 am | permalink | Add comment

Friends friends friends.

August 17, 2007

Wala na namang pasok. Malaki ang posibilidad na bawiin ang pagiging nonworking holiday ng Monday. At ayoko ng ganun. Mamatay na may gusto nun.

 

Hahahaha!

 

Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit meron kang mga kaibigan? Kung meron man, natanong mo na ba kung bakit sila yung naging mga kaibigan mo?

 

Sa ilang taon mong pamumuhay, marami kang nakakasalamuha. Meron diyang masasamang katulad mo, at mababait na katulad ko. Merong mga makukulit, magugulo, meron din namang mga tahimik. Merong mahilig kumain, merong parating gutom at meron ding sugapa sa libre. Merong mukang paa, parang pinagbiyak na arinola, at meron din namang mukang anghel pero demonyo naman pala. Maraming klase ng tao sa mundo. Siguro, hindi lang natin namamalayan, pero may mga taong ganito pala o ganyan pala na kahit ipagpilitang itago e nahahalata pa rin ng iba.

 

Sagutin mo man yung mga katanungan sa taas o hindi, sigurado akong alam mo na masaya ang buhay pag maraming kaibigan. Marami kang katawanan, marami kang matatakbuhan, marami kang masasabihan ng problema, maraming tatakbo sa'yo para humingi ng tulong *kahit malaking effort ang kailangan para dito, masarap pa rin yung pakiramdam na marami kang natutulungan*, maraming pupunta sa bahay mo para kumain, marami kang pupuntahan na birthday parties, maraming manlilibre sa'yo..

 

O diba? Masaya talaga.

 

Pero, nirerespeto ka ba nila?

 

May tiwala ba sila sa'yo?

 

May tiwala ka ba sa kanila?

 

Respeto at tiwala. Dalawang bagay na mahirap makuha at pag nawala sa'yo, mahirap ng ibalik. At para sa'kin, kailangang mapagkatiwalaan ka muna ng isang tao para makuha mo yung respeto niya. At kapag nakuha mo yung dalawa na yun, pwede ka ng tawaging isang kaibigan.

 

Nakakatawa lang isipin na kahit mga kaibigan ang tawag mo sa kanila, parang hindi ka nila nirerespeto.

 

Kaibigan mo sila pero pag nakatalikod ka, iniinsulto ka na pala.

 

 

Posted by donyangdiyosa at 2:00 pm | permalink | Add comment

Lalalalala.

August 10, 2007

Nafeel ko lang magpost ngayon.

 

Ang dami ko palang kabobohan sa buhay noh? Well, tama nga sila. Nobody's perfect. Kung sila, nalolost count sa pagbibilang ng tutubi na kumakain ng apoy, at kayo ay nahuhulog sa paglalambitin niyo sa hanger, ako naman..

 

Eto, tamad pa rin.

 

Siyempre, wala ulit konek. Sabi nga nila, walang perpekto sa mundo. Kaya kung ako sa inyo, wag na kayong magbasa dahil wala itong kakwenta-kwenta.

 

Buwan ng Wika ngayon kaya dapat magFilipino. =D

 

Ang bahay nila Cheska.

 

-Sa mga hindi nakakaalam, si Cheska ay isang butihing kaklase ko since First Year. (mahirap magsalita/magtype ng full Tagalog e. Sabi nga nila, nobody's perfect.) Siya ang "mother" ng klase kaya bahay niya, bahay ng lahat. Araw-araw silang may bisita. O buwisita. Kung gagawa naman ng mga projects or magkakaroon ng meeting para sa isang school activity, parating sa bahay nila ginagawa. Hindi ko alam kung bakit. Pero dahil mayaman sila at maraming pagkain at ayos lang sa magulang niya at may alaga silang unggoy at marami silang alagang hayop at cute si Tusha at masarap ang pancake nila, parating nagkakaisa ang mga tao na dun manggulo.

 

Katangahan #1: May project kami sa MAPEHrwisyo at kagrupo ko si Cheska. Obviously, dun kami sa bahay nila para na rin makikain ng tanghalian at merienda. Tatlong taon na kong nagpupunta sa bahay nila. Pero nung Tuesday, BINGO! Naligaw na naman ako. Mahirap lang akong bata, wala kaming kotse kaya sumakay lang ako ng trike. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla kong pinaliko yung pilot at nakarating ako sa Pedro P. Cruz Elementary School na ayon sa Quintessence, "Pepenians" daw ang tawag sa mga mag-aaral nito. BINGOng pangalawa. Dahil nga mahirap lang akong bata, wala akong barya. At BINGOng pangatlo. Ayaw maghanap nung pilot ng mapagbabaryahan nung pera ko. Oha! Buti na lang, may binatang nagmagandang loob para pabaryahan yung pera ko. Salamat sa kanya, solb na ang problema. Ang galing lang kasi bago ako umalis, biglang umasta yung binata ng "ate, pengeng singkwenta." Dahil nga mahirap lang akong bata, nginitian ko na lang siya.

 

At nagsimula na naman ang paglalakbay ko. Siguro, mga 15 minutes akong mukhang tangang patawag tawag sa telepono ni Cheska na hindi naman sinasagot kaya 15 minutes din akong mukhang tangang pabalik-balik na naglalakad. Ang hirap pala ng ganun lalo na kung hindi ka pamilyar dun sa lugar. Hindi mo alam kung saan ka titingin, kung dun ba sa kamay mo dahil hawak mo ang cellphone mo o dun sa paa mo dahil baka makaapak ka ng jebs.

 

After 15 minutes, thank goodniss. Nahanap ko rin ang puno sa tapat ng bahay ni Cheska kung saan nakatambay ang unggoy nila.

 

Ang Foundation Day sa Mandsci.

 

Katangahan #2: Hapon na nun. Foundation Day sa school namin. May program pa sa gabi. Manonood ako, siyempre. At siyempre, hindi pa ko nakakapagpaalam sa nanay ko. Walking distance lang ang bahay ko sa school. Kaya naman umuwi muna ko para magpaalam.

 

Ang saya ko nun. Habang naglalakad kasi ako, nakita ko yung crush ko. Binati pa niya ko. Oooooh.

 

Pagdating ko sa bahay, sakto. Nakaalis na nanay ko. Pumunta sa bahay ng friend niya kasama ang kanyang circle of friends. Sayang. Nagugutom pa naman ako nun. Hihingi pa sana ko ng pera pangkain. Kaya, tinawagan ko na lang siya sa cellphone. Pwede pala yun. Umuwi pa ko ng bahay. Nasayang ang Adenosine Triposphate sa katawan ko na pinaghirapang iproduce ng mga mitochondria ng cells ko na ayon sa Oxidative Phosphorylation, ang coenzymes daw na NAD+ at FAD ay nagsisilbing carrier ng protons at electrons sa *ano bang Filipino word ng form? Basta, yun na yun.* form ng Hydrogen atoms para sa Electron Transport chain. Mahaba pa yan pero puputulin ko na dito dahil nagdudugo na ang ilong ko. Pero proud ako dahil may natutunan din pala ko sa Bio.

 

Pabalik na ko ng school. Dahil nagugutom ako, bumili muna ko ng shake.

 

Tatawid na sana ko. Umaambon. At dahil nasabik ako sa shake na hawak ko at feeling kong mag-iiba ang lasa niya pag naambunan, umiinom ako habang patawid. Ayun. Muntik na kong mabangga ng kotse. Half inch na lang siguro yung layo ng tagiliran ko dun sa sasakyan. Sayang. Di natuloy. Ganda pa naman nung kotse. Luxurious.

 

Pyro Olympics 2005.

 

-Napakamemorable nito. Nastuck kasi kami sa traffic sa may Makati kasi last day na nung program. Sakto pa, nagkaroon ng sunog somewhere sa Makati kaya doble traffik[O. Makabagong Filipino yan.]. At sobrang memorable niya talaga. Kasi, wala kaming napanood. Kaya naman, napag-usapan na lang ng angkan ko na kumain na lang sa madadaanang restaurant para hindi naman masyadong nakakasama ng loob. Dapat kasi, ibblowout kami ng tito ko sa isang hotel. Nalimutan ko lang kung saan. Sa Heritage yata e. Yun nga lang, nauwi kami sa Teriyaki Boy sa may Glorietta.

 

4 hours kaming nasa sasakyan nun. 4 hours kaming nakipagsiksikan sa jampack na mga sasakyan. Kaya naman, palakas ng palakas ang boses ni Inang Kalikasan na tinatawag ang pangalan ko.

 

Katangahan #3: Pagdating namin sa TB, dumiretso agad ako sa CR. Sobrang wiwing wiwi na ko nun, kaya siguro kahit nakita ko na yung drowing ng lalaki at babae sa pintuan, yung pintuan pa rin ng lalaki yung nabuksan ko. Buti na lang, may poging poging mama sa loob para pigilan ako at sabihing, "miss, dun ka sa kabila. Hehehe."

 

Buti na lang pogi siya.

 

Marami pa kong kwento para diyan. Pero sabi nga nila, walang perpekto sa mundo kaya wala na kong masabi. Isa pa, wala na kong masyadong matandaan.

 

Bata pa ko. Kaya lang, hindi ako perpekto.

 

Konek?

 

 

Posted by donyangdiyosa at 6:20 am | permalink | Add comment

Ice Cream.

August 9, 2007

Iba talaga dito sa Pilipinas. Kung kelan dapat isuspend ang klase, hindi sinususpend. Kung isususpend man, late na. Kung kelan dapat may pasok, saka walang klase. Sabi nga ni Tolete, "kaya hindi umuunlad ang bansa natin e."

 

Siyempre, walang koneksyon ang intro ko dun sa topic.

 

Sa ibang bansa, kilala tayong mga Pinoy bilang mga Fine English Speakers. Pano ba naman hindi magiging ganun? E dito sa'tin e hinihintay ka talaga ng taong magkamali habang nagsasalita ka. Sino ba namang hindi macoconcious dun diba? Sabi ng iba, negative thing daw ang masyadong pagpuna sa kapwa. Oo nga naman, you should mind your own business. Meron din namang nagsasabi na nakabubuti daw ang masyadong pagpuna kasi naiimprove yung kailangang iimprove.

 

Well, kung ako ang tatanungin, either good or bad, masayang pumuna ng mga taong nagkakamali, lalo na sa pagsasalita ng Inggles. Sabihin niyo ng masamang tao ako dahil ganun. Pero kung nag-aaral ka sa school ko, maiintindihan mo.

 

Hahahaha!

 

1. Nagdidiscuss ang teacher namin. Ang topic niya ay tungkol sa proper waste disposal. Nasa category kami ng burial:

 

"In burial, when they bur… Kapag nililibing nila yung basura nila…"

 

Oha! Umatras. Nalimutan yata ang rootword ng burial. Napaisip din ako dun.

 

2. Nagbibigay ng pointers to review ang teacher namin. Dictation.

 

"Describe what happen when a light rays passes from glass to air as a medium."

 

Nakaugalian na rin naming magdasal bago mag-umpisa ang klase niya. Pano kaya 'pag umasta siya ng "repeat after me" prayer? Susundin kaya siya ng mga kaklase ko kahit mali-mali na?

 

3. Nasa discussion namin ang barter system ng Egypt.

 

"Ipinagpapalit nila ang isang bagay para sa 2 kilo of golds."

 

Huh? 2 kilos of gold diba?

 

4. Dictation ulit. Tungkol sa soccer.

 

"…also known as Pipa."

 

"Sir? Ano ulit? Pipa? Instrument yun diba?"

 

"Instrument ka diyan. Yung Pipa. Ep-ay-ep-ey."

 

Others are included in the palowing.

 

Pare-parehong scenariong discussion lang naman to e. Kaya ililista ko na lang.

 

-I'll base the report on the reporters.
-Animals are <b>abondant</b>.
-X(egs) of 1 minus X(egs) of 2.
-It's just a matter of a common sense.
-Trianggol.
-Ebor Aptor.
-Gogol.
-Evidences(ividences).

 

Madami pa yan. Nalimutan ko yung iba. Nasa kaklase ko kasi yung notebook na listahan namin.

 

Pasensiya na po, katuwaan lang. Walang personalan.

 

=D

 

 

Posted by donyangdiyosa at 6:51 am | permalink | Add comment

Post.

July 10, 2007

MORE THAN 6 PEOPLE.

 

1. HER. She's a good friend of mine. She isn't the typical girl that gets the fun she deserves. Not that she doesn't have the chance but it's like, she's one of the few who do not take the million opportunities for self compensation. Only a hundred, I guess. So I am really astounded everytime she does things a regular teenager does.

 

2. SOMEONE. The second person I spent almost half my life with *excluding my family*. My auntie, lola, mother, sister and best friend. Very loquacious and strident. One of the most audacious and toughest people I know. But as they say, even the sturdiest tree can be broken down by a man.

 

3. HIM. We're not that close but he's my friend. A song chum of mine and he's one of those whom I share my everyday laughters with. Everyone says that he isn't really a "hottie". But his smile strikes me a lot that I usually notice myself smiling back even if it's not for me.

 

4. SOMEBODY. I think it's peculiar to find it hard to make friends with this somebody. I don't know why but, something holds me back everytime I try to make this so-called "move". And another thing. There is profundity in his eyes that whenever he looks at me, I feel so away from reality.

 

5. THEM. An infamous group at school. This is another I-don't-know-why thing: I am scared of them. Maybe they're just that superior or something so I feel like, I need to back off everytime I see them at the school's hallways. BREATHING'S NOT ALLOWED.

 

6. NOBODY. My ideal person. He is my knight in shining armor. He saves me from a bad day and makes me feel that tomorrow's going to be fine. He never makes me his priority but still manages to make me feel so valuable. He is vulnerable yet, man enough to accept his missteps and weaknesses. He is willing to accept whatever changes that comes his way and tries to catch up with the things people got used to. He is someone I can rely on, someone who will look after me when I falter and fall, and afterwards, he'll give me the strength to cope with my uncertainties on my own.

 

"New people are only new for a day. After that, they're just people."
-THE PERFECT MAN

 

 

Posted by donyangdiyosa at 6:19 am | permalink | Add comment

Crappy.

May 1, 2007

I have lots to say. So random that I don't have any idea where and how to start. Hope you'll understand if this falls grungey from your expectations.

 

Oftentimes, I think of death. I think of people's death. Something that says something like, "Will I ever know if he/she is? But how? I'm out of reach right now. Is he/she gonna tell me?"

 

Am I gonna die soon? Or someone I know is going to?

 

Totoo ba na "'Pag gusto, maraming paraan at 'pag ayaw, maraming dahilan?" Lots of times, gustung-gusto ko ng isampal sa isang tao yang linya na yan.

 

Peste.

 

But I can't. Congratulations to Little Ms. Goody-too-shoes. Minsan nga, naiisip ko, "Sino ba siya para ganyanin ako? Sino ba siya para hayaan ko siyang ganyanin ako?" But whatever I do, or whatever that person does, nothing can make me show how mad I am with something he/she did. No matter how mad I am, I keep on pretending I don't.

 

Poor people around me. They get to receive the anger I feel about him/her.

 

It's really weird to have 5 people apologize to me in a day. But the truth is, I don't care anymore! I don't care you're sorry! It's already done. And will saying the hidden magic word bring back time and avoid what you did wrong from happening? No one is perfect anyway. No doubt you'll do it again. So, what's the point of saying sorry?

 

I can be mean sometimes. Just like this morning.

 

It's 11:30 am and I was still asleep. My sister entered the room to get something and I guess she forgot to close the door. Our helper's friends were at the living room, talking, and one of them was very, very noisy. And surprise! She woke me up with her irritating loud laugh. Parang wala ng bukas! Malademonyo. So, I went out to wash up. When I walked pass them, I looked at them with the nakakunot-ang-noo-bagong-gising-look. Then, straight to the bathroom.

 

Our bathroom has its sliding door. I closed.. Uhm. Err. slammed it and did my thang.

 

"RC, nagdadiet ka ba?"

"Ako? Diet? Yuck."

 

Oh well. My mom is controlling my eating habit. Grrr. Wala pa yata sa kalahati ng usual na kinakain ko yung nilalagay niya sa plato ko e. Sobrang taba ko na raw kasi. I know it's true. But it's alright for me. Classes make me lose weight anyway.

 

Ever wondered why the word "forever" existed? Is it only for the phrase "nothing is forever"?

 

I mean, everything ends. Why did people have its concept in the first place? Why didn't the ancient people just orient it as a word only applicable for God and His love?

 

Aside from God's love, there must be something else, right?

 

Swoosh!

 

 

Posted by donyangdiyosa at 7:26 am | permalink | Add comment

Fated.

April 2, 2007

I know everyone doesn't have the license to get green-eyed of other people because we will never be the owners of the guys/girls we love. But I am also erudite with the fact that it has always been in human nature to love ardently, this leading to being selfish with everything about him/her.

 

To the girls: Isn't it too unbearable for us to see our special someones trifling with other girls that it gives us some kind of obsession that even a single text message from another girl tears us into pieces, and it feels like what is left for us is to confront the guys or worse, beat up that girl who seemed to be messing up with us?

 

To the guys: Doesn't it spoil your day knowing that your someones are getting close to another guy and the next dire thing is you find yourself in a state of consciousness that they are enjoying every part of their time together?

 

But why is it that girls treat other guys like they've got no one to hurt and guys treat other girls as if no one's getting jealous?

 

"Hurt not others with that which pains yourself."
                                   -Buddha (5th century BC)

And the saying is true. I just can't figure out why majority carry on doing things to other people that when brought back to them, create this feeling of hatred to the person who has done it and pity to oneself.

 

But try to get over it. Causing major pain to the people around us is an inevitable thing that lots of times, we aren't even aware with what we are doing.

 

And the best thing to do? SAY SORRY. =D

 

 

Posted by donyangdiyosa at 8:18 am | permalink | Add comment

Birthday.

January 30, 2007

A birthday. A very exceptional event remarkable enough to reminisce the years of survival–the fact that an obstinate human child goes on to become an adult despite great odds.

 

It seems most like an ending–another year, gone. But it gives rise to a review of all the things accomplished in the past year, of gains that have been made, the great teacher of experience that has enriched life, even if some of its lessons have been learned painfully.

 

No less than it is an end is that it is also a beginning. Just as looking back on the past offers a sense of accomplishment, so does looking ahead to the future inspires new goals or lets us continue striving for the old ones. Every year, we are given this wonderful opportunity to begin anew.

 

But in all this looking ahead and behind, we might easily forget to examine the here and the now. We must pause and see what we have right now. Whatever we look back upon and wish that had been, whatever we look forward to and hope for, it turns out that those things that we need most of all are here with us today. That, at this very moment, each of us is showered by blessings untold and incomprehensible. We have more than we can possibly understand all at once. In daily living, trials and tribulations threaten to overwhelm us. So on the occasion of birthdays, let us take advantage of its exceptionality–it is, after all, only 24 hours compared to the 8,736 ordinary hours in the rest of the year–to pause and give thanks for all the things that we do have; and most importantly, for all the people who support us with the gift of love, a gift given not on just one day of the year, but everyday of every year.

 

I am aware that time has truly been passing for me. And with my special day, I catapult backwards through time, like paging through a picture album from back to front. And I realize that most of the other 364 days of the year surrender themselves to the haze of half-forgotten memory.

 

Are my sacrifices worth them all? Have I done the right things? Have I made the right decisions? Are my deeds enough to please people?

 

14 years.

 

It can never be enough to tell that I know every road I take in this life's journey. I am young, inexperienced, dependent and still learning. Some may tell I can't do things on my own yet. Others may not believe in what I can do. Still, some may think I am that innocent to not weigh things equally.

 

But this I tell you: I am not an idiot to not make things right. Maybe, you can see them wrong. But whatever I do leads to something I know can make me happy. And you can never let me take those back.

 

Cheers to me!

 

Cheers to being 14!

 

Cheers to February 2, 2007!

 

 

Posted by donyangdiyosa at 1:56 am | permalink | Add comment

First Post.

January 9, 2007

new year, new blog. nalate nga lang. =D

 

alam ko nga late na, but i know i still deserve the chance to thank everyone for the year 2006. so, thank you!

 

2006. a year to remember. maraming nangyari, maganda at hindi. maraming dumating. maraming umalis.

 

mga highlights ng buhay ko noong 2006:

JANUARY
-naging close kami ni past. haha! wala akong maisip na matino e. para kasing wala na kong maalala sa month na yun.

 

FEBRUARY
-i turned 13.
-binalik yung phone ko after a month and a half of confiscation.
-unang aminan.[ni past]
-field trip.
-nagmuse ako sa NCR meet, nakilala ko si ryan.

 

MARCH
-madalas akong umiyak sa month na to.
-naadik ako sa blog hopping.

 

APRIL
-naconfiscate ang phone ko for a week. tapos, new phone na yung bumalik sa'kin.
-family trip to pagudpod. with vigan and baguio side trips.

 

MAY
-wala naman, puro internet at texting.

 

JUNE
-nagsimula akong magblog.
-second year na ko. nagsimula ng mag-adjust sa mga tao at new surrounding.

 

JULY
-wala akong maalala e. haha!

 

AUGUST
-sabayang pagbigkas. kinaladkad ako sa harap ng maraming tao. =D

 

SEPTEMBER
-accidentally, nadaanan ko ng GM ko si ryan. haha! ayun, naging close tuloy kami.

 

OCTOBER
-very first "date" with ryan. kasama si hazel. sikreto yun e. =D
-nagstart akong kausapin nung "ex" niya, na nung time na yun, sila pa ng hindi ko nalalaman from him. haha!

 

NOVEMBER
-ayan na. break na sila! dahil sa'kin.
-unang aminan.
-hmm. my first "something". =D
-bumili ako ng new phone.
-nangyari for the first time na may dinala kong guy sa bahay para ipakilala sa nanay ko. hahaha!
[basta, masaya tong month na to.]

 

DECEMBER
-first "something" na may audience. haha!
-pagiging close "muli" with john, camae and anna.
-nagglobe ako dahil napeste sa sun. =D
-i went to ryan's house. first time na may guy na nagdala sa'kin sa house nila to meet his fam.
-full of vanity tong month na to.

 

oh diba? what a fruitful year. haha!

 

sana maging masaya tayo sa year na to.

 

cheers for a more fruitful 2007!

 

 

Posted by donyangdiyosa at 1:24 am | permalink | Add comment