Home » Post Item » Takot.

Takot.

August 28, 2007

Sobrang natakot ka na ba sa isang tao at sa pwedeng gawin ng tao na yun sa'yo na parang gusto mo ng magtago sa kanal kahit maraming ipis dun? Well, ako, oo. Kanina lang.

 

May ginawa kasi akong kalokohan na pinasa ko sa mga kaklase ko at isang bestfriend na galing sa ibang section. Luckily, hindi ko agad nasabi na sa kanila ko lang ibinahagi yun at hindi pwede sa iba. Kaya ang nangyari, dahil sobrang nakakatuwa siya, shinare siya ng bestfriend ko sa… hmm. Buong batch yata.

 

Tapos, after lunch kanina, sinabi sa'kin ng kaklase ko na narinig daw niya yung isa naming guro nang mapadaan siya sa faculty room. May mga kakwentuhan daw kasi yung teacher na yun tapos, bigla na lang may sinabi na parang nagbabanta sa isang tao na parang ipapapugot niya yung ulo nung tao na yun sa kaibigan niyang terorista. *kathang-isip ko lamang ito*

 

Siyempre, ako yung taong yun.

 

Malapit na yung period nung teacher na yun. Sobrang kabado ako. Gusto ko ng umiyak pero baka lalo niyang mahalata na guilty ako. Kaya kumain na lang ako.

 

Tapos, ayan. Time niya na. Kalmado lang ako pero nararamdaman ko yung pagbilis ng heartbeat ko. Hindi ko narinig pero ayon sa katabi ko, sinabi daw nung teacher na yun kung ano yung sinabi kong kalokohan kahapon.

 

Inaabangan ko na yung sermon niya. Siyempre, co-teacher niya yung pinagtripan ko.

 

Pero, himala. Nagturo siya. At minsan lang din mangyari yun. Hahaha!

 

Natapos ang subject niya. Sinabi ko dun sa bestfriend ko na natatakot nga ako. Tapos, nung uwian, bigla niya kong nilapitan at sinabing hindi daw ako dapat matakot.

 

Sa katunayan, tuwang-tuwa pa raw yung teacher namin sa ginawa kong pangttrip dahil malaki ang galit ng karamihan sa mga teachers sa pinagtripan ko at dinagdagan pa raw niya yung kalokohan na yun sa classroom ng bestfriend ko.

 

 


Posted by donyangdiyosa at 11:14 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment