Friends friends friends.
August 17, 2007Wala na namang pasok. Malaki ang posibilidad na bawiin ang pagiging nonworking holiday ng Monday. At ayoko ng ganun. Mamatay na may gusto nun.
Hahahaha!
Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit meron kang mga kaibigan? Kung meron man, natanong mo na ba kung bakit sila yung naging mga kaibigan mo?
Sa ilang taon mong pamumuhay, marami kang nakakasalamuha. Meron diyang masasamang katulad mo, at mababait na katulad ko. Merong mga makukulit, magugulo, meron din namang mga tahimik. Merong mahilig kumain, merong parating gutom at meron ding sugapa sa libre. Merong mukang paa, parang pinagbiyak na arinola, at meron din namang mukang anghel pero demonyo naman pala. Maraming klase ng tao sa mundo. Siguro, hindi lang natin namamalayan, pero may mga taong ganito pala o ganyan pala na kahit ipagpilitang itago e nahahalata pa rin ng iba.
Sagutin mo man yung mga katanungan sa taas o hindi, sigurado akong alam mo na masaya ang buhay pag maraming kaibigan. Marami kang katawanan, marami kang matatakbuhan, marami kang masasabihan ng problema, maraming tatakbo sa'yo para humingi ng tulong *kahit malaking effort ang kailangan para dito, masarap pa rin yung pakiramdam na marami kang natutulungan*, maraming pupunta sa bahay mo para kumain, marami kang pupuntahan na birthday parties, maraming manlilibre sa'yo..
O diba? Masaya talaga.
Pero, nirerespeto ka ba nila?
May tiwala ba sila sa'yo?
May tiwala ka ba sa kanila?
Respeto at tiwala. Dalawang bagay na mahirap makuha at pag nawala sa'yo, mahirap ng ibalik. At para sa'kin, kailangang mapagkatiwalaan ka muna ng isang tao para makuha mo yung respeto niya. At kapag nakuha mo yung dalawa na yun, pwede ka ng tawaging isang kaibigan.
Nakakatawa lang isipin na kahit mga kaibigan ang tawag mo sa kanila, parang hindi ka nila nirerespeto.
Kaibigan mo sila pero pag nakatalikod ka, iniinsulto ka na pala.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


