Lalalalala.
August 10, 2007Nafeel ko lang magpost ngayon.
Ang dami ko palang kabobohan sa buhay noh? Well, tama nga sila. Nobody's perfect. Kung sila, nalolost count sa pagbibilang ng tutubi na kumakain ng apoy, at kayo ay nahuhulog sa paglalambitin niyo sa hanger, ako naman..
Eto, tamad pa rin.
Siyempre, wala ulit konek. Sabi nga nila, walang perpekto sa mundo. Kaya kung ako sa inyo, wag na kayong magbasa dahil wala itong kakwenta-kwenta.
Buwan ng Wika ngayon kaya dapat magFilipino. =D
Ang bahay nila Cheska.
-Sa mga hindi nakakaalam, si Cheska ay isang butihing kaklase ko since First Year. (mahirap magsalita/magtype ng full Tagalog e. Sabi nga nila, nobody's perfect.) Siya ang "mother" ng klase kaya bahay niya, bahay ng lahat. Araw-araw silang may bisita. O buwisita. Kung gagawa naman ng mga projects or magkakaroon ng meeting para sa isang school activity, parating sa bahay nila ginagawa. Hindi ko alam kung bakit. Pero dahil mayaman sila at maraming pagkain at ayos lang sa magulang niya at may alaga silang unggoy at marami silang alagang hayop at cute si Tusha at masarap ang pancake nila, parating nagkakaisa ang mga tao na dun manggulo.
Katangahan #1: May project kami sa MAPEHrwisyo at kagrupo ko si Cheska. Obviously, dun kami sa bahay nila para na rin makikain ng tanghalian at merienda. Tatlong taon na kong nagpupunta sa bahay nila. Pero nung Tuesday, BINGO! Naligaw na naman ako. Mahirap lang akong bata, wala kaming kotse kaya sumakay lang ako ng trike. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla kong pinaliko yung pilot at nakarating ako sa Pedro P. Cruz Elementary School na ayon sa Quintessence, "Pepenians" daw ang tawag sa mga mag-aaral nito. BINGOng pangalawa. Dahil nga mahirap lang akong bata, wala akong barya. At BINGOng pangatlo. Ayaw maghanap nung pilot ng mapagbabaryahan nung pera ko. Oha! Buti na lang, may binatang nagmagandang loob para pabaryahan yung pera ko. Salamat sa kanya, solb na ang problema. Ang galing lang kasi bago ako umalis, biglang umasta yung binata ng "ate, pengeng singkwenta." Dahil nga mahirap lang akong bata, nginitian ko na lang siya.
At nagsimula na naman ang paglalakbay ko. Siguro, mga 15 minutes akong mukhang tangang patawag tawag sa telepono ni Cheska na hindi naman sinasagot kaya 15 minutes din akong mukhang tangang pabalik-balik na naglalakad. Ang hirap pala ng ganun lalo na kung hindi ka pamilyar dun sa lugar. Hindi mo alam kung saan ka titingin, kung dun ba sa kamay mo dahil hawak mo ang cellphone mo o dun sa paa mo dahil baka makaapak ka ng jebs.
After 15 minutes, thank goodniss. Nahanap ko rin ang puno sa tapat ng bahay ni Cheska kung saan nakatambay ang unggoy nila.
Ang Foundation Day sa Mandsci.
Katangahan #2: Hapon na nun. Foundation Day sa school namin. May program pa sa gabi. Manonood ako, siyempre. At siyempre, hindi pa ko nakakapagpaalam sa nanay ko. Walking distance lang ang bahay ko sa school. Kaya naman umuwi muna ko para magpaalam.
Ang saya ko nun. Habang naglalakad kasi ako, nakita ko yung crush ko. Binati pa niya ko. Oooooh.
Pagdating ko sa bahay, sakto. Nakaalis na nanay ko. Pumunta sa bahay ng friend niya kasama ang kanyang circle of friends. Sayang. Nagugutom pa naman ako nun. Hihingi pa sana ko ng pera pangkain. Kaya, tinawagan ko na lang siya sa cellphone. Pwede pala yun. Umuwi pa ko ng bahay. Nasayang ang Adenosine Triposphate sa katawan ko na pinaghirapang iproduce ng mga mitochondria ng cells ko na ayon sa Oxidative Phosphorylation, ang coenzymes daw na NAD+ at FAD ay nagsisilbing carrier ng protons at electrons sa *ano bang Filipino word ng form? Basta, yun na yun.* form ng Hydrogen atoms para sa Electron Transport chain. Mahaba pa yan pero puputulin ko na dito dahil nagdudugo na ang ilong ko. Pero proud ako dahil may natutunan din pala ko sa Bio.
Pabalik na ko ng school. Dahil nagugutom ako, bumili muna ko ng shake.
Tatawid na sana ko. Umaambon. At dahil nasabik ako sa shake na hawak ko at feeling kong mag-iiba ang lasa niya pag naambunan, umiinom ako habang patawid. Ayun. Muntik na kong mabangga ng kotse. Half inch na lang siguro yung layo ng tagiliran ko dun sa sasakyan. Sayang. Di natuloy. Ganda pa naman nung kotse. Luxurious.
Pyro Olympics 2005.
-Napakamemorable nito. Nastuck kasi kami sa traffic sa may Makati kasi last day na nung program. Sakto pa, nagkaroon ng sunog somewhere sa Makati kaya doble traffik[O. Makabagong Filipino yan.]. At sobrang memorable niya talaga. Kasi, wala kaming napanood. Kaya naman, napag-usapan na lang ng angkan ko na kumain na lang sa madadaanang restaurant para hindi naman masyadong nakakasama ng loob. Dapat kasi, ibblowout kami ng tito ko sa isang hotel. Nalimutan ko lang kung saan. Sa Heritage yata e. Yun nga lang, nauwi kami sa Teriyaki Boy sa may Glorietta.
4 hours kaming nasa sasakyan nun. 4 hours kaming nakipagsiksikan sa jampack na mga sasakyan. Kaya naman, palakas ng palakas ang boses ni Inang Kalikasan na tinatawag ang pangalan ko.
Katangahan #3: Pagdating namin sa TB, dumiretso agad ako sa CR. Sobrang wiwing wiwi na ko nun, kaya siguro kahit nakita ko na yung drowing ng lalaki at babae sa pintuan, yung pintuan pa rin ng lalaki yung nabuksan ko. Buti na lang, may poging poging mama sa loob para pigilan ako at sabihing, "miss, dun ka sa kabila. Hehehe."
Buti na lang pogi siya.
Marami pa kong kwento para diyan. Pero sabi nga nila, walang perpekto sa mundo kaya wala na kong masabi. Isa pa, wala na kong masyadong matandaan.
Bata pa ko. Kaya lang, hindi ako perpekto.
Konek?


