Home » Archives » August 2007

Takot.

August 28, 2007

Sobrang natakot ka na ba sa isang tao at sa pwedeng gawin ng tao na yun sa'yo na parang gusto mo ng magtago sa kanal kahit maraming ipis dun? Well, ako, oo. Kanina lang.

 

May ginawa kasi akong kalokohan na pinasa ko sa mga kaklase ko at isang bestfriend na galing sa ibang section. Luckily, hindi ko agad nasabi na sa kanila ko lang ibinahagi yun at hindi pwede sa iba. Kaya ang nangyari, dahil sobrang nakakatuwa siya, shinare siya ng bestfriend ko sa… hmm. Buong batch yata.

 

Tapos, after lunch kanina, sinabi sa'kin ng kaklase ko na narinig daw niya yung isa naming guro nang mapadaan siya sa faculty room. May mga kakwentuhan daw kasi yung teacher na yun tapos, bigla na lang may sinabi na parang nagbabanta sa isang tao na parang ipapapugot niya yung ulo nung tao na yun sa kaibigan niyang terorista. *kathang-isip ko lamang ito*

 

Siyempre, ako yung taong yun.

 

Malapit na yung period nung teacher na yun. Sobrang kabado ako. Gusto ko ng umiyak pero baka lalo niyang mahalata na guilty ako. Kaya kumain na lang ako.

 

Tapos, ayan. Time niya na. Kalmado lang ako pero nararamdaman ko yung pagbilis ng heartbeat ko. Hindi ko narinig pero ayon sa katabi ko, sinabi daw nung teacher na yun kung ano yung sinabi kong kalokohan kahapon.

 

Inaabangan ko na yung sermon niya. Siyempre, co-teacher niya yung pinagtripan ko.

 

Pero, himala. Nagturo siya. At minsan lang din mangyari yun. Hahaha!

 

Natapos ang subject niya. Sinabi ko dun sa bestfriend ko na natatakot nga ako. Tapos, nung uwian, bigla niya kong nilapitan at sinabing hindi daw ako dapat matakot.

 

Sa katunayan, tuwang-tuwa pa raw yung teacher namin sa ginawa kong pangttrip dahil malaki ang galit ng karamihan sa mga teachers sa pinagtripan ko at dinagdagan pa raw niya yung kalokohan na yun sa classroom ng bestfriend ko.

 

 

Posted by donyangdiyosa at 11:14 pm | permalink | Add comment

Tag tag tag.

August 27, 2007

Was tagged by Michelle.

 

What I should do is post 8 random facts about myself and then tag 8 other people to do the same.

 

1. I used to wish that I'll be a dentist someday.
2. Nagkaroon ako ng panata na hindi ko bubuksan ang Friendster account ko hanggang… SECRET MUNA YUN. Hahaha!
3. I love Bob Ong's works. =))
4. Addicted to Starbucks. Nagmamaktol ako sa Nanay ko paminsan-minsan na bumili kapag 2:00 na ng umaga.
5. Mababaw ang kaligayahan ko. Pati luha ko mababaw din.
6. I still watch cartoons. Hahaha!
7. Mahilig akong makipagpustahan, parati namang talo.
8. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko dito.

 

I’m tagging Ate Dauphine, Cai, Ate Anne, Kev, Romina, Ate Irish, Karla and Mark.

 

 

Posted by donyangdiyosa at 10:53 am | permalink | Add comment

CM’s.

August 21, 2007

Nagising ako ng bandang 10:00. Siyempre, dahil hindi pa nakakapaghilamos at toothbrush, hinanap ko muna ang cellphone ko para magbasa ng mga liham. *Hahahaha!*

 

Nakakatawa. Limang magkakasunod na tao ang nagsend ng iisang message. Naputol lang ng isang mensaheng "hello! ikinadena ko yung paa ng isda mo kagabi." tapos ayun na naman. Apat na magkakasunod na pare-parehong messages ulit.

 

"Madalas, ang tao, dinededma ang messages na tungkol kay God. Kaya mo bang dedmahin toh? Blah blah blah blah. Send this to all your friends."

 

Taglish version ng:

 

"70% of people won't send this. I love you Jesus. Please pass this to all your buddies on the list and prove that your are one of the 30% who cares."

 

May tatlong klase ng mga sikat na chain messages. Lahat sila, nakakapang-uto.

 

1. Tungkol kay God at sa mga santo't santa na lumalabas tuwing kapistahan nila at kahit hindi nila kapistahan, kunyari daw kapistahan nila.

2. Tungkol sa pag-ibig na kapag hindi mo sinend, mamalasin ka buong buhay mo.

3. Yung tipong papatay sa'yo, sa nanay mo, kay Bantay at sa iba pang miyembro ng pamilya mo.

 

Ang common denominator? Nakakaburaot silang lahat.

 

Sabi nga ni Ate Anne, hindi masusukat ng isang chain message ang paniniwala mo sa Diyos. E ano nga naman kung hindi mo isend yun? Pag sinend mo ba yun, ibig sabihin linggo-linggo kang nagsisimba? Dahil ba dun naipagmamalaki mo na relihiyoso/relihiyosa ka? Kung ganun lang din pala edi sana wala ng mga pari ngayon. At nagtetext na lang sila para magsend ng chain messages.

 

"I love God above all things. Send this to everyone and He's gonna grant you three wishes. Amen."

 

Sunod, ang paborito ng lahat.

 

"Send this to 10 friends and after 15 minutes, someone special is going to talk to you."

 

"Isend mo to sa lahat ng kaibigan mo at magiging kayo ng mahal mo."

 

"Pag hindi mo sinend to, 7 years kang mamalasin sa lovelife."

 

Nakakairita yan. Minsan akala mo kung gaano kaimportante yung isang message. Yun pala, chain message lang ang labas. Ang resulta, lalo pang nagiging desperado ang tao sa pag-aakalang totoo nga yung bagay na yun. Ikaw namang mambabasa, mahilig kang magpauto. Kapag sinabi bang "Kumain ka ng tae at mapapakasalan mo ang crush mo.", gagawin mo?

 

At ang huli, ang killer chain messages.

 

"Hi. I'm Dudong. I was killed by my boyfriend two hours ago because I failed to give him the amount of money he wants. Send this to all your friends or I'll wake you in the middle of your sleep and kill you so I can get your money and give it to my boyfriend."

 

Ayos a. Patay na nga nakakapagtext pa rin. Kung nakakapatay lang din ang mga mensaheng yan edi sana wala ng murderers ngayon. Lahat sila nagsesend na lang din ng chain messages para mapatay ang biktima. Oha! No trace of evidence pa.

 

Well, wala pa naman akong nababalitaan sa diyaryo o sa TV na namatay dahil sa hindi pagsesend ng isang mensahe.

 

At isa pa, kung ang pagsesend ng chain messages ang dahilan para yumaman ka, edi sana wala ng kurakot na opisyal ngayon. Lahat sila nagsesend na lang ng good luck charm messages.

Copy this and paste to your Friendster Bulletin. O kaya itext mo sa lahat ng kaibigan mo ang mga nakasulat sa taas. Kung hindi, ikaw ay magiging isang tukmol na kamote at kaamoy ng isang kilikiling kulay berde.

 

Posted by donyangdiyosa at 9:31 pm | permalink | Add comment

Bakit?

August 19, 2007

Wala akong maisip masyado. Kaya eto na lang.

 

*Bakit ba hindi marunong makuntento ang tao?

*Bakit ba may mga taong nagfeefeeling Superman na akala nila kaya nilang gawin ang lahat?

*Bakit ba kailangang nasa huli ang pagsisisi?

*Bakit ba gusto ng karamihan ng isang perpektong tao/bagay kahit alam nilang walang ganun?

*Bakit parang nakakawalan na ng ganang mag-aral sa Mandsci?

*Bakit ba PROUD pa SIYA/SILA sa pangongopya?

*Bakit ba gusto nilang gawing bayani si Pacquiao e wala naman siyang naitutulong sa pag-unlad ng ekonomiya?

*Bakit ba may mga taong mahilig magkumpara e lahat naman ng tao iba-iba?

*Bakit ba lahat ng bagay may katapusan?

*Bakit ba lahat ng tao, napapagod sa isang bagay?

*Bakit madalas, happiness is empty?

*How come something that is supposed to set you free leaves you so incomplete?

*Bakit ba may mga salita na mahirap Tagalugin?

*Bakit ba nasa lahat ng tao ang kaplastikan?

*Bakit ba kailangan munang mawala ang isang tao bago mo malaman kung gaano siya kahalaga?

*Bakit ba kailangan munang masaktan at umiyak bago mo makuha ang kasiyahan?

*Bakit ba may mga taong mayayabang na wala namang maipagmamayabang?

*Bakit ba hindi natin alam kung anong mangyayari kinabukasan?

*Bakit ba dinadaan sa pag-inom ng alak ang problema?

*Bakit ba maraming nagddrugs?

*Bakit ba naimbento ang sigarilyo?

*Bakit ba may mga taong manhid?

*Bakit ba kailangan nating magmahal kung masasaktan lang din naman tayo?

*Bakit ba mahirap makalimot?

*Bakit ba may mga nabubuntis ng maaga e may condom naman?

*Bakit ba pinag-aaralan pa sa eskwela ang Geometry, Botany, MAPEH at iba pa kung hindi rin naman natin yun magagamit sa paglaki natin?

*Bakit ba may mga taong nagtatapos ng kurso sa College para lang maging domestic helper o caregiver sa ibang bansa?

*Bakit ba likhang madamot ang tao?

*Bakit ba madaya at kulang ang oras?

*Bakit ba ang dami kong tanong?

 

 

Posted by donyangdiyosa at 2:10 am | permalink | Add comment

Friends friends friends.

August 17, 2007

Wala na namang pasok. Malaki ang posibilidad na bawiin ang pagiging nonworking holiday ng Monday. At ayoko ng ganun. Mamatay na may gusto nun.

 

Hahahaha!

 

Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit meron kang mga kaibigan? Kung meron man, natanong mo na ba kung bakit sila yung naging mga kaibigan mo?

 

Sa ilang taon mong pamumuhay, marami kang nakakasalamuha. Meron diyang masasamang katulad mo, at mababait na katulad ko. Merong mga makukulit, magugulo, meron din namang mga tahimik. Merong mahilig kumain, merong parating gutom at meron ding sugapa sa libre. Merong mukang paa, parang pinagbiyak na arinola, at meron din namang mukang anghel pero demonyo naman pala. Maraming klase ng tao sa mundo. Siguro, hindi lang natin namamalayan, pero may mga taong ganito pala o ganyan pala na kahit ipagpilitang itago e nahahalata pa rin ng iba.

 

Sagutin mo man yung mga katanungan sa taas o hindi, sigurado akong alam mo na masaya ang buhay pag maraming kaibigan. Marami kang katawanan, marami kang matatakbuhan, marami kang masasabihan ng problema, maraming tatakbo sa'yo para humingi ng tulong *kahit malaking effort ang kailangan para dito, masarap pa rin yung pakiramdam na marami kang natutulungan*, maraming pupunta sa bahay mo para kumain, marami kang pupuntahan na birthday parties, maraming manlilibre sa'yo..

 

O diba? Masaya talaga.

 

Pero, nirerespeto ka ba nila?

 

May tiwala ba sila sa'yo?

 

May tiwala ka ba sa kanila?

 

Respeto at tiwala. Dalawang bagay na mahirap makuha at pag nawala sa'yo, mahirap ng ibalik. At para sa'kin, kailangang mapagkatiwalaan ka muna ng isang tao para makuha mo yung respeto niya. At kapag nakuha mo yung dalawa na yun, pwede ka ng tawaging isang kaibigan.

 

Nakakatawa lang isipin na kahit mga kaibigan ang tawag mo sa kanila, parang hindi ka nila nirerespeto.

 

Kaibigan mo sila pero pag nakatalikod ka, iniinsulto ka na pala.

 

 

Posted by donyangdiyosa at 2:00 pm | permalink | Add comment

E kasi nga.

August 15, 2007

May mga nasabihan na ko nitong mga close friends. Pero dahil hindi ko nailabas lahat, hello blogger ang drama ko.

 

Sa totoo lang, masama ang loob ko sa ibang mga tao sa klase. Biruin mo, nagpapakahirap kang mag-aral, nagsisikap kang manghula para masagot yung mga tanong na si Superman lang ang makakasagot, makakakuha ka ng mababa o kaya, yung pasang-awa na scores sa mga tests tapos, sila, walang kahirap-hirap na nakakakuha ng mataas.

 

Alam kong masamang mambintang. Pero sabihin niyo nga sa'kin, posible bang magkapare-pareho ang scores ng limang taong magkakatabi sa test? Buti sana kung isang subject lang e. Kaya lang, napatunayan ng isa pa. Kaya hindi na nakakapagtaka kung maraming beses nilang ginawa yun.

 

Oo, bahagi na ng buhay ng bawat estudyanteng mangopya. Abno ka kung hindi mo ginagawa yun. Ako, inaamin ko, kopyador din ako. Pero galit ako sa mga nangongopya pag quarterly examinations. Aba! E kung ganun lang din pala ang labanan, dapat pala kinopyahan ko na lang yung mga honor students na katabi ko.

 

Hindi ko na sana papansinin to e. Kasi alam kong sila yung nabadshot dun. Kaya lang, sumosobra na e. IT'S UNPER!

 

 

Posted by donyangdiyosa at 11:45 pm | permalink | Add comment

Done.

August 13, 2007

Tapos na exams namin. Tapos na ang paghihirap. Tapos na ang kalokohan.

 

Oo, kalokohan. Literal na nakipaglokohan lang kami sa mga teachers namin, at ganun din sila sa amin. Imagine answering questions with terms you aren't even familiar with. Ok, nageenglish na ko. Bawal 'to dahil buwan ng wika ngayon. Baka mamaya biglang may lumabas sa kisame ng kwarto ko, magulo ang buhok, basang basa ang katawan, duguan, walang itim ang mata at maglakad ng patiwarik habang palapit ng palapit sa kama para kunin ang teddy bear ko at ibalik sa Blue Magic.

 

Sabi nga ni Mara, habang nagrereview ka, parang hindi review e. VIEW lang talaga dahil ang katotohanan ay ngayon mo lang naencounter yung mga bagay na yun kahit hindi naman talaga.

 

Gets?

 

 

Hate this quarter. Kahit yung pinakamasipag mag-aral sa'min sa klase, tinatamad na rin. Diba Marc?

 

 

Posted by donyangdiyosa at 7:20 pm | permalink | Add comment

Wooosh.

August 12, 2007

Nakakatamad.

 

Bilang isang estudyante, magic word ko yan.

 

Ewan ko ba. Ngayon lang ako tinamad ng sobra sa mahigit 11 taon ng pag-aaral ko. Nung 2nd year, hindi pa masyado e. Pero ngayon, grumabe na talaga. Kahit may exams pa bukas, 2 pa lang naaaral ko. Tapos, hindi pa tapos yung isa. Tapos, aral-aralan lang yung isa. May isang subject pang dapat pag-aralan. Pero nakakawalan ng gana.

 

Sabi nila, contagious disease daw ang katamaran. Tama yun para sa'kin. Kasi, pag tamad yung teacher, tamad din yung estudyante.

 

Sa totoo lang, parang wala akong natututunan ngayon sa school.

 

Kung yung mga matatalino sa'min, pinagtyatyagaan ang self study sa hindi pagtuturo ng karamihan sa mga teachers, ako naman, NO STUDY ang inaapply.

 

Good luck naman sa grades ko noh.

 

 

Posted by donyangdiyosa at 3:35 pm | permalink | Add comment

Lalalalala.

August 10, 2007

Nafeel ko lang magpost ngayon.

 

Ang dami ko palang kabobohan sa buhay noh? Well, tama nga sila. Nobody's perfect. Kung sila, nalolost count sa pagbibilang ng tutubi na kumakain ng apoy, at kayo ay nahuhulog sa paglalambitin niyo sa hanger, ako naman..

 

Eto, tamad pa rin.

 

Siyempre, wala ulit konek. Sabi nga nila, walang perpekto sa mundo. Kaya kung ako sa inyo, wag na kayong magbasa dahil wala itong kakwenta-kwenta.

 

Buwan ng Wika ngayon kaya dapat magFilipino. =D

 

Ang bahay nila Cheska.

 

-Sa mga hindi nakakaalam, si Cheska ay isang butihing kaklase ko since First Year. (mahirap magsalita/magtype ng full Tagalog e. Sabi nga nila, nobody's perfect.) Siya ang "mother" ng klase kaya bahay niya, bahay ng lahat. Araw-araw silang may bisita. O buwisita. Kung gagawa naman ng mga projects or magkakaroon ng meeting para sa isang school activity, parating sa bahay nila ginagawa. Hindi ko alam kung bakit. Pero dahil mayaman sila at maraming pagkain at ayos lang sa magulang niya at may alaga silang unggoy at marami silang alagang hayop at cute si Tusha at masarap ang pancake nila, parating nagkakaisa ang mga tao na dun manggulo.

 

Katangahan #1: May project kami sa MAPEHrwisyo at kagrupo ko si Cheska. Obviously, dun kami sa bahay nila para na rin makikain ng tanghalian at merienda. Tatlong taon na kong nagpupunta sa bahay nila. Pero nung Tuesday, BINGO! Naligaw na naman ako. Mahirap lang akong bata, wala kaming kotse kaya sumakay lang ako ng trike. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla kong pinaliko yung pilot at nakarating ako sa Pedro P. Cruz Elementary School na ayon sa Quintessence, "Pepenians" daw ang tawag sa mga mag-aaral nito. BINGOng pangalawa. Dahil nga mahirap lang akong bata, wala akong barya. At BINGOng pangatlo. Ayaw maghanap nung pilot ng mapagbabaryahan nung pera ko. Oha! Buti na lang, may binatang nagmagandang loob para pabaryahan yung pera ko. Salamat sa kanya, solb na ang problema. Ang galing lang kasi bago ako umalis, biglang umasta yung binata ng "ate, pengeng singkwenta." Dahil nga mahirap lang akong bata, nginitian ko na lang siya.

 

At nagsimula na naman ang paglalakbay ko. Siguro, mga 15 minutes akong mukhang tangang patawag tawag sa telepono ni Cheska na hindi naman sinasagot kaya 15 minutes din akong mukhang tangang pabalik-balik na naglalakad. Ang hirap pala ng ganun lalo na kung hindi ka pamilyar dun sa lugar. Hindi mo alam kung saan ka titingin, kung dun ba sa kamay mo dahil hawak mo ang cellphone mo o dun sa paa mo dahil baka makaapak ka ng jebs.

 

After 15 minutes, thank goodniss. Nahanap ko rin ang puno sa tapat ng bahay ni Cheska kung saan nakatambay ang unggoy nila.

 

Ang Foundation Day sa Mandsci.

 

Katangahan #2: Hapon na nun. Foundation Day sa school namin. May program pa sa gabi. Manonood ako, siyempre. At siyempre, hindi pa ko nakakapagpaalam sa nanay ko. Walking distance lang ang bahay ko sa school. Kaya naman umuwi muna ko para magpaalam.

 

Ang saya ko nun. Habang naglalakad kasi ako, nakita ko yung crush ko. Binati pa niya ko. Oooooh.

 

Pagdating ko sa bahay, sakto. Nakaalis na nanay ko. Pumunta sa bahay ng friend niya kasama ang kanyang circle of friends. Sayang. Nagugutom pa naman ako nun. Hihingi pa sana ko ng pera pangkain. Kaya, tinawagan ko na lang siya sa cellphone. Pwede pala yun. Umuwi pa ko ng bahay. Nasayang ang Adenosine Triposphate sa katawan ko na pinaghirapang iproduce ng mga mitochondria ng cells ko na ayon sa Oxidative Phosphorylation, ang coenzymes daw na NAD+ at FAD ay nagsisilbing carrier ng protons at electrons sa *ano bang Filipino word ng form? Basta, yun na yun.* form ng Hydrogen atoms para sa Electron Transport chain. Mahaba pa yan pero puputulin ko na dito dahil nagdudugo na ang ilong ko. Pero proud ako dahil may natutunan din pala ko sa Bio.

 

Pabalik na ko ng school. Dahil nagugutom ako, bumili muna ko ng shake.

 

Tatawid na sana ko. Umaambon. At dahil nasabik ako sa shake na hawak ko at feeling kong mag-iiba ang lasa niya pag naambunan, umiinom ako habang patawid. Ayun. Muntik na kong mabangga ng kotse. Half inch na lang siguro yung layo ng tagiliran ko dun sa sasakyan. Sayang. Di natuloy. Ganda pa naman nung kotse. Luxurious.

 

Pyro Olympics 2005.

 

-Napakamemorable nito. Nastuck kasi kami sa traffic sa may Makati kasi last day na nung program. Sakto pa, nagkaroon ng sunog somewhere sa Makati kaya doble traffik[O. Makabagong Filipino yan.]. At sobrang memorable niya talaga. Kasi, wala kaming napanood. Kaya naman, napag-usapan na lang ng angkan ko na kumain na lang sa madadaanang restaurant para hindi naman masyadong nakakasama ng loob. Dapat kasi, ibblowout kami ng tito ko sa isang hotel. Nalimutan ko lang kung saan. Sa Heritage yata e. Yun nga lang, nauwi kami sa Teriyaki Boy sa may Glorietta.

 

4 hours kaming nasa sasakyan nun. 4 hours kaming nakipagsiksikan sa jampack na mga sasakyan. Kaya naman, palakas ng palakas ang boses ni Inang Kalikasan na tinatawag ang pangalan ko.

 

Katangahan #3: Pagdating namin sa TB, dumiretso agad ako sa CR. Sobrang wiwing wiwi na ko nun, kaya siguro kahit nakita ko na yung drowing ng lalaki at babae sa pintuan, yung pintuan pa rin ng lalaki yung nabuksan ko. Buti na lang, may poging poging mama sa loob para pigilan ako at sabihing, "miss, dun ka sa kabila. Hehehe."

 

Buti na lang pogi siya.

 

Marami pa kong kwento para diyan. Pero sabi nga nila, walang perpekto sa mundo kaya wala na kong masabi. Isa pa, wala na kong masyadong matandaan.

 

Bata pa ko. Kaya lang, hindi ako perpekto.

 

Konek?

 

 

Posted by donyangdiyosa at 6:20 am | permalink | Add comment

Ice Cream.

August 9, 2007

Iba talaga dito sa Pilipinas. Kung kelan dapat isuspend ang klase, hindi sinususpend. Kung isususpend man, late na. Kung kelan dapat may pasok, saka walang klase. Sabi nga ni Tolete, "kaya hindi umuunlad ang bansa natin e."

 

Siyempre, walang koneksyon ang intro ko dun sa topic.

 

Sa ibang bansa, kilala tayong mga Pinoy bilang mga Fine English Speakers. Pano ba naman hindi magiging ganun? E dito sa'tin e hinihintay ka talaga ng taong magkamali habang nagsasalita ka. Sino ba namang hindi macoconcious dun diba? Sabi ng iba, negative thing daw ang masyadong pagpuna sa kapwa. Oo nga naman, you should mind your own business. Meron din namang nagsasabi na nakabubuti daw ang masyadong pagpuna kasi naiimprove yung kailangang iimprove.

 

Well, kung ako ang tatanungin, either good or bad, masayang pumuna ng mga taong nagkakamali, lalo na sa pagsasalita ng Inggles. Sabihin niyo ng masamang tao ako dahil ganun. Pero kung nag-aaral ka sa school ko, maiintindihan mo.

 

Hahahaha!

 

1. Nagdidiscuss ang teacher namin. Ang topic niya ay tungkol sa proper waste disposal. Nasa category kami ng burial:

 

"In burial, when they bur… Kapag nililibing nila yung basura nila…"

 

Oha! Umatras. Nalimutan yata ang rootword ng burial. Napaisip din ako dun.

 

2. Nagbibigay ng pointers to review ang teacher namin. Dictation.

 

"Describe what happen when a light rays passes from glass to air as a medium."

 

Nakaugalian na rin naming magdasal bago mag-umpisa ang klase niya. Pano kaya 'pag umasta siya ng "repeat after me" prayer? Susundin kaya siya ng mga kaklase ko kahit mali-mali na?

 

3. Nasa discussion namin ang barter system ng Egypt.

 

"Ipinagpapalit nila ang isang bagay para sa 2 kilo of golds."

 

Huh? 2 kilos of gold diba?

 

4. Dictation ulit. Tungkol sa soccer.

 

"…also known as Pipa."

 

"Sir? Ano ulit? Pipa? Instrument yun diba?"

 

"Instrument ka diyan. Yung Pipa. Ep-ay-ep-ey."

 

Others are included in the palowing.

 

Pare-parehong scenariong discussion lang naman to e. Kaya ililista ko na lang.

 

-I'll base the report on the reporters.
-Animals are <b>abondant</b>.
-X(egs) of 1 minus X(egs) of 2.
-It's just a matter of a common sense.
-Trianggol.
-Ebor Aptor.
-Gogol.
-Evidences(ividences).

 

Madami pa yan. Nalimutan ko yung iba. Nasa kaklase ko kasi yung notebook na listahan namin.

 

Pasensiya na po, katuwaan lang. Walang personalan.

 

=D

 

 

Posted by donyangdiyosa at 6:51 am | permalink | Add comment